MGA PROKLAMASYON NA MAGBIBIGAY AMNESTIYA IKINATUWA NG AFP

MALUGOD na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng amnestiya sa mga rebelde sa ilalim ng serye ng mga proklamasyon na nilagdaan ngayong linggo.

Ayon kay AFP spokesman Col. Medel Aguilar nitong Sabado, magbibigay daan sa pamahalaan ang naturang desisyon na hikayatin ang mas maraming rebelde na bumalik sa  ilalim ng batas at mas magiging komportable ang mga may criminal liabilities na isuko ang armadong pakikibaka.

“Siyempre masaya kami. Maybe it’s time to offer them amnesty to remove obstacle that is preventing these people who are charge with criminal cases,” ani Aguilar sa isang news forum sa Quezon City.

Ayon kay Aguilar, mahigit limang dekada na umanong nagtataguyod ng mapayapang resolusyon kasama ang mga rebelde.

Ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E CLIP) ang isang programa na iniaalok sa mga rebeldeng balikbayan, na nagbibigay ng tulong pinansyal at kabuhayan sa kanila at sa kanilang pamilya sa kanilang pagbabalik sa lipunan.

“Lahat naman ng ito is para maging mapayapa ang ating bansa,” saad ni Aguilar. 

“We know that if we will be able to win back more 400 personalities facing the charges, plus their supporters, this will be a big win in our effort to achieving peace in our country,” dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Aguilar na habang umiiral ang amnestiya, walang tigil putukan at patuloy na magsasagawa ng security protocols ang AFP upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng impluwensya ng mga teroristang grupo.

“While we are offering this opportunity for them to return the folds of the law, we will continue to exert pressure. We will continue to conduct security patrols. Kasi iyong encounter po, nangyayari naman ito dahil sila ay na andiyan at lumalaban,” pahayag pa ni Aguilar.

Layunin aniya nito na ma-secure ang mga komunid kaya naman palagi nilang ginagawa ang community support program, hindi lamang para itaboy ang mga elemento ng komunistang teroristang grupo, kundi para tingnan din ang kagalingan ng mga komunidad. 

Kung may mga isyu umanong hindi nasasagot o hindi nareresolba, ito mismo ang mga isyung pinagsasamantalahan ng CPP NPA NDF para pukawin ang mga komunidad laban sa gobyerno. (RCD)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights