Habang dumarami ang mga miyembrong nagpapataas ng saving, Pag-IBIG collections aabot sa P67B sa Q3 

TINATAYANG nasa P66.73 bilyon ang kolektibong natipid ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa unang siyam na buwan ng 2023, na tumaas ng P6.3 bilyon o 10% taun-taon, dahil mas maraming miyembro ang nag-ambag ng higit sa kinakailangang Pag-IBIG monthly savings, inihayag ng ahensya noong Lunes, Oktubre 23.

“We are happy that more Filipino workers are saving with Pag-IBIG Fund. The trust and confidence in our savings programs continue to grow as proven by our record-high members’ savings collections in January to September 2023. This is good news because the increase in the savings collected shall allow us to finance the increasing demand for our home loans and short-term loans, and thus allow us to serve more members. This is in line with the directive of President Marcos to provide financial access to better the future of every Filipino,” sinabi ni Sec. Jose Rizalino L. Acuzar, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11 miyembro ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Samantala, nabanggit naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na parehong tumaas ang mga koleksyon mula sa mandatory Regular Savings at voluntary MP2 Savings ng ahensya sa panahong iyon at nag post ng mga bagong record high.

Umabot sa P31.6 bilyon ang koleksyon mula sa Pag-IBIG Regular Savings, na tumaas ng 7% mula sa P29.6 bilyon mula sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. 

Kasama sa nasabing halaga ang P7.69 bilyon na upgraded savings mula sa mga miyembro, o savings na boluntaryong ipinagkatiwala ng mga miyembro sa Pag-IBIG Fund bukod pa sa kinakailangang monthly savings. 

Sa kabilang banda, nagtamo ang MP2 Savings ng ahensya ng popularidad dahil umabot sa P35.13 bilyon ang mga koleksyon, 14% ang pagtaas mula sa P30.81 bilyon na nakolekta noong Setyembre ng nakaraang taon.

“The record-high in members’ savings we collected from January to September this year shows the wider appreciation of our members on the benefits of saving with Pag-IBIG Fund. We are grateful that the biggest growth areas in our savings collections come from our voluntary MP2 Savings and from members who save more than their mandated monthly savings,” saad ni Acosta.

(Ang record high sa mga nakolekta naming membership mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon ay nagpapakita ng mas malawak na pagpapahalaga ng aming mga miyembro sa mga benepisyo ng pag iipon gamit ang Pag-IBIG Fund. Nagpapasalamat kami na ang pinakamalaking lugar ng paglago sa aming mga koleksyon ng pag iipon ay nagmumula sa aming boluntaryong MP2 Savings at mula sa mga miyembro na nag-iimpok ng higit sa kanilang ipinag-uutos na buwanang pag-iipon.)

“We recognize that our members’ trust in our programs stems from how we have gained competitive returns on their savings over the past many years. We highly value that trust and that is why we assure them that we shall continue to prudently manage their hard-earned savings. That is the Lingkod Pag-IBIG way,” dagdag ni Acosta.

(Kinikilala namin na ang tiwala ng aming mga miyembro sa aming mga programa ay nagmula sa kung paano kami nakakuha ng competitive returns sa kanilang mga pag-iipon sa nakalipas na maraming taon. Lubos naming pinahahalagahan ang tiwala na iyon kaya naman tinitiyak namin sa kanila na patuloy naming maingat na pamamahalaan ang kanilang pinaghirapang ipon. Iyan ang paraan ng Lingkod Pag-IBIG.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights