PERSONAL na nagsagawa ng ininspeksyon si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa tinaguriang Kapihan at ang libingan sa Soccorro.
Kasunod ng inspeksyon ni dela Rosa ay kaniya ding kinusulta ang mga mamamayan ng Soccorro sa kung anong klaseng pagtrato ang ginagawa sa kanila ng tinaguriang si Senior Aguila.
Inihayag ni Dela Rosa na gusto niyang maging patas ang ginagawang imbestigasyon ng senado lalo na’t mayroong akusasyon ng pang-aabuso, pagpapakasal sa batang taong gulang at sa hindi gustong kapareha at pagpipilit na magkaroon ng pagtatalik.
Kasalukuyang nakakulong sa isang kuwarto ng senado si Senior Agila at iba pang mga pinuno ng kanilang samahan ukol sa reklamo.
Isang bangkay ng bata din ang hinukay sa libingang bahagi ng Socorro batay na din sa pahayag ng kanyang ama. (Nino Aclan)