DSWD Field Office VIII Nakilahok sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair 2023 sa Probinsya ng Leyte

Kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, nakiisa ang Department of Social Welfare and Development Field Office VIII, sa pangunguna ni Asec. Florentino Y. Loyola Jr. at RD Grace Q. Subong, sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair 2023 para sa probinsya ng Leyte, sa Visayas State University, Tolosa Leyte, noong Sabado, September 23.

Ang ahensiya ay nag bigay serbisyo sa mga benepesiyaryo nito sa pamamagitan ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS at Sustainable Livelihood Program.

Ibinida rin ng ilang Sustainable Livelihood Program Associations ang mga samu’t saring mga produkto para sa Kadiwa ng Pangulo na tinangkilik ng marami.

Para sa pagkakataong ito, sabay-sabay na inilunsad ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa apat na probinsya sa bansa: Leyte, Camarines Sur, Ilocos Norte, at Davao de Oro.

Layunin nito na mapalapit sa lahat ng mga ordinaryong Pilipino ang iba’t ibang mga serbisyo at programa ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights