Guinayangan Delegation Nagsagawa ng Learning Visit sa Manila North Cemetery

Malugod na tinanggap ng Manila North Cemetery (MNC), sa pangunguna ni Director Daniel C. Tan at kasama si Dr. Grace Padilla ng Manila Health Department, ang delegasyon mula sa Pamahalaang Bayan ng Guinayangan, Quezon na pinamumunuan ni Mayor Cesar J. Isaac III para sa isang Courtesy and Learning Visit.

Sa pagbisita, ibinahagi ng MNC ang mga programa, pamantayan, at pinakamahusay na mga kasanayan sa pamamahala at operasyon ng sementeryo bilang bahagi ng pagpapalitan ng kaalaman at karanasan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, patuloy na kinikilala ang Manila North Cemetery bilang huwaran sa mahusay na pamamahala at paghahatid ng dekalidad na serbisyong pampubliko. Ang ganitong mga inisyatiba ay nagpapatibay sa ugnayan ng mga lokal na pamahalaan at nagbibigay-daan sa mas malawak na pagbabahagi ng mga epektibong programa upang higit pang mapahusay ang episyente, maayos, at makataong serbisyo para sa bawat mamamayan. (BONG SON)

Verified by MonsterInsights