Kapihan sa Maynila: Mga Plano at Proyekto, Inilahad ni Isko
Ibinahagi ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mga pangunahing programa, mga nagawa, at mga susunod na hakbangin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ginanap na Kapihan sa Maynila kasama ang beteranong mamamahayag na si Marichu Villanueva.
Kabilang sa mga natalakay ang mga proyektong pabahay para sa mga ManileƱo, pagtatayo ng mga bagong ospital at paaralan, gayundin ang pagpapatupad ng Executive Order No. 29 na lumikha sa Manila Schools and Community Safety Task Force upang higit na mapalakas ang kaligtasan sa mga paaralan at komunidad. (BONG SON)
