𝐏𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨 𝐚𝐭 𝐅𝐒𝐋 𝐘𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐈𝐧𝐠𝐤𝐥𝐮𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠!

Para sa layuning tiyaking maririnig at maisasama sa mga polisiya at programa ng pamahalaan ang tinig at pangangailangan ng mga katutubo at komunidad ng Deaf,

Nagsagawa ng pulong noong 6 Nobyembre 2025 sa Bulwagang Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP) at Filipino Sign Language (FSL) Yunit ng KWF upang maisakatuparan ang naturang layunin.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas na sina Dato Binalan Hanas, Bai Fraidelyn Samal Dani, Bae Novelita Rata Terrano, Datu Noe De Isidro, Bae Mary Rose M. Bataller, Datu Noli Galan, Aloysis Acevedo Men̈es, Datu Maghuhukom David P. Puspus, Datu Fulong Paulo Gino Soriano Empal, Bae Panergo, Bae Maya Lenebeth Sualog, Bae Marta Bertos, Luisa Aguire Ingles, Bae Juliet S. Panergo, Bae Ma. Luzon Makilang, at FSL Yunit sa pamumuno ni Patrick Bryan Q. Ablaza at patnubay ni Dr. Liza Martinez. Pinulong ni Komisyoner Mendillo ang mga nasabing pangkat upang makabalangkas ng patakarang pangwika na tutugon sa kanilang pangangailangan na naaayon sa kanilang mga simulain.

Sa pagtatapos ng pulong, napagkasunduan ng mga kalahok na magtatag ng mekanismo ng konsultasyon sa pagitan ng mga katutubo, komunidad ng Deaf, at mga ahensiya ng gobyerno upang mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan sa mga susunod na programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights