Mayor Isko, Ipinahayag ang Mga Tagumpay sa Unang 100 Araw ng Panunungkulan

FIRST 100 DAYS: MAKE MANILA GREAT AGAIN. Nagbigay ng talumpati si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa unang pagpupulong ng City Development Council na ginanap sa San Andres Sports Complex, Maynila. Tinalakay ni Mayor Isko ang mga nagawa ng lokal na pamahalaan sa loob ng kanyang unang 100 araw sa panunungkulan, pati na rin ang mga plano at layunin para sa ikauunlad ng lungsod ng Maynila. (BONG SON)

Sa kanyang unang 100 araw bilang alkalde, binalikan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga programa at serbisyong naihatid sa mga Manileño.

“Ngayong araw, iniulat namin sa publiko ang mga pangunahing nagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa unang 100 araw ng aming panunungkulan, sa isang pagtitipon na ginanap sa San Andres Sports Complex,” ani Mayor Isko.

Aniya, sa kabila ng naiwang tambak na basura at bilyon-bilyong utang na hindi nabayaran ng nakaraang administrasyon, ay nagsikap at naging determinado ang bagong pamahalaan na unti-unting malinis ang dugyot na lungsod, mahuli ang mga tolongges at nabawasan ang P10.2 bilyong commercial obligation.

Pero hindi umano nangangahulugan na magiging perpekto ang lahat.

“We may fail from time to time, and I may, some of us may, but we will not fail in moving forward. We will continue to move forward, way forward,” pahayag ng alkalde.

Hindi rin naiwasan ng alkalde na maging personal at mapanlikha sa kanyang mensahe.

“Who am I not to forgive? I’m no God, I’m no perfect. I have shortcomings and mistakes. And that’s why I always believe, kung si Jesus nga nagpatawad, ako pa kaya?” aniya.

Kaya naman hinimok niya ang lahat ng Manileño na makiisa sa kanyang paglalakbay bilang pinuno.

“Samahan ninyo ako sa pagkakadapa, sa pagbangon, sa paghinto, sa pag-abante. Samahan ninyo ako sapagkat I cannot do it alone. 2 million Manileños, 3 million daytime, day and night thinking of it na sana maaliwalas ang kanilang kapaligiran, panatag ang kanilang pamumuhay, nakakauwi sila ng ligtas, nakakapaghanap-buhay sila. It’s not easy,” ayon pa sa alkalde.

Dahil dito, taimtim ang kanyang panawagan sa lahat ng sektor.

“That’s why I beg each and everyone of you: to the private sector, to our institution, to the businesses, to the department heads, to my co-workers in city government, to my vice mayor, to my councilors, to everyone. Help me, let’s come together and let’s make Manila great again. Manila, God first!” pagtatapos ni Mayor Isko.

Verified by MonsterInsights