Goitia: Pamumuno ni Presidente Marcos, Hindi Matitinag sa Paninira

Mariing kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang isang foreign social media post na lantarang lumait kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  na may  “low IQ.” Para kay Goitia, malinaw na ito’y desperadong pagtatangka na siraan ang isang lider na matatag na nakatindig para ipaglaban ang sambayanang Pilipino.

“Diretsuhin na natin, malinaw na propaganda ito,” ani Goitia. ” Wala silang  alam  sa ating tunay na kasaysayan,  sa a ating  totoong mga pakikibaka, at ang ating mga pangarap. Pero ang lakas ng loob nilang insultuhin ang ating Pangulo at pati na rin ang sambayanang Pilipino. Hindi  na ito katanggap–tanggap.”

Pamumunong nakaugat sa Soberanya

Itinuro ni Goitia ang pagkukunwari ng ilang dayuhang kritiko na kunwari’y nagmamalasakit sa katarungan, subalit wng totoo ay bulag naman sa sariling pagsalungat. “Ipinagtanggol ni Presidente Marcos ang West Philippine Sea (WPS) nang hindi tayo idinadawit sa mga padalus-dalos na digmaan. Pinalakas niya ang ating mga alyansa nang hindi isinusuko ang ating soberanya. Iyan ang tunay na pamumuno — mahinahon, kalkulado, at laging inuuna ang kapakanan ng bayan.”

Ingay ng Ekonomiya vs. Tunay na Reporma

Mariing itinanggi ni Goitia ang paratang na palpak ang Pangulo sa ekonomiya: “Puro negatibo  ang ibinabato  tng mga kritiko at isinasantabi ang mga ebidensya ng konkretong tagumpay. Patuloy na dumadami ang foreign investments, muling umaangat ang turismo, at naitatag ang pundasyong kailangan para sa matibay na kinabukasan. Hindi kaagad ang progreso — pero malinaw ang direksyon  at si Presidente Marcos ang nagtutulak nito.”

Ang Malisyosong Bansag na “Low IQ”

Hindi pinalampas ni Goitia ang pambabastos sa talino ni Marcos. “Ang sukatan ng talino ay hindi nakasalalay sa mga banyagang nagtatago sa likod ng kanilang mga screen. Ito’y nakikita sa mga nagiging bunga — at sa pamumuno ni Marcos, muling naibalik ang respeto ng mundo sa Pilipinas at mas pinalakas ang ating tinig sa mga usaping pandaigdig. Iyan ang tatak ng isang marunong at matatag na pinuno.”

Pagtindig Kasama ang Pangulo

Para kay Goitia, ang mga ganitong atake ay patunay lamang na tinatamaan ang mga dayuhan sa ginagawa ng Pangulo. “Ang kinatatakutan nila ay isang Pilipinas na may dangal at paninindigan. Ang kinatatakutan nila ay isang Pangulong hindi basta-basta susunod sa dikta nila. Kaya siya ang pinupuntirya.”

Tinapos ni Goitia ang kaniyang saloobin ng isang  panawagan ng pagkakaisa: “Alam ng sambayanang Pilipino kung sino ang tunay na lumalaban para sa kanila. At walang anumang paninira mula sa labas ang makakapagbura sa katotohanang si Presidente Marcos ay tapat na naglilingkod para sa kinabukasan ng ating bayan.”

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement. (MARISA SON)

Verified by MonsterInsights