BOC- Port of Cebu, Nasabat ang ₱27 Milyong Halaga ng Shabu mula sa African National
Pagbati mula sa inyong abang lingkod mga ka-Adwana. Sa mga masisipag at magaling na mga opisyal ng Bureau of Customs sa pangunguna nina Port of Manila District Collector Alex Alviar, Deputy Collector for Assessment Engineer Ric Ricarte, Formal Entry Division Chief Atty Florante Macarilay, MICP District Collector Rizalino Toralba, Port of Clark District Collector Jairus Reyes, XIP Supervisor Jan Adam Mose, MICP X-Ray FO Gerard Del Rosario, Port of NAIA Spy Chief Butch Ledesma, MICP-CIIS Chief Alvin Enciso, MICP Chief of Staff Atty Ed Padre, Port of Clark AOD Chief Collector Jason Pagala at sa gwapong hepe ng MICP Section 5 Chito Manahan.
**********
SAMANTALA, matagumpay na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Cebu, sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Geoffrey Devera, ang isang African national na nahulihan ng tinatayang apat (4) na kilo ng Methamphetamine Hydrochloride o “shabu” na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱27 milyon sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).
Personal na nagtungo at nagsagawa ng inspeksyon sa mga nakumpiskang kontrabando si BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno bilang bahagi ng kanyang pagsusuri sa operasyon.
Dumating ang suspek noong Setyembre 18, 2025, sakay ng isang flight mula South Africa via Hong Kong. Sa isinagawang arrival screening sa International Arrival Area, Terminal 2 ng MCIA, napansin ng mga awtoridad ang kahina-hinalang bagahe ng pasahero, dahilan upang ito’y isailalim sa masusing pagsusuri.
Isinailalim ang bahage sa profiling at non-intrusive examination, kung saan nakita sa X-ray ang mga kahina-hinalang imahe. Inendorso ito para sa karagdagang beripikasyon, kabilang ang isang K-9 sweep, kung saan nagbigay ng positibong senyales ang aso sa presensya ng ipinagbabawal na droga.
Sa isinagawang pisikal na inspeksyon, nadiskubre ang dalawang pakete ng puting mala-kristal na substansiya na itinago sa loob ng bagahe. Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Laboratory sa pamamagitan ng field test na ito ay Methamphetamine Hydrochloride.
“Patuloy naming paiigtingin ang mga hakbang sa pagtuklas at pagpapatupad upang matiyak na hindi magagamit ang ating mga paliparan at pantalan bilang daluyan ng mapanganib na substansiya,” ayon kay Commissioner Nepomuceno. Binigyang-diin niya ang paninindigan ng BOC na pangalagaan ang seguridad ng mga hangganan ng bansa.
Pinuri rin ng Komisyoner ang masinsing koordinasyon at dedikasyon ng Port of Cebu, lalo na ang Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service, at X-ray Inspection Project, na nagresulta sa matagumpay na pagkakasabat ng kontrabando.
Muling pinagtibay ng BOC ang kanilang pangakong protektahan ang sambayanang Pilipino laban sa banta ng ilegal na droga at tiyaking ligtas ang mga hangganan ng Pilipinas.