Kaguluhan Nabigo, Diwa ng Pilipino Nagtagumpay - Goitia
Ang kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ng “isang baluktot na agenda ng mga bayarang anarkista, hindi ng tunay na tinig ng sambayanang Pilipino”
Ang dapat sana’y mapayapang pagtitipon ay sinamantala ng mga nakamaskarang raliyista na naghagis ng bato, bote, at maging ng mga pampasabog laban sa pulis na nagresulta sa maraming pulis na lubhang nasugatan, mga pampubliko at pribadong ari-arian ang nawasak. Para kay Goitia, hindi ito kilos-protesta kundi malinaw na isang krimen. “Hindi sila mga repormista kundi mga bayarang tao na layuning manggulo nlamang,” aniya. “Hindi hustisya ang habol nila kundi ang motibo na pabagsakin ang nakaupong Pangulo. Ang kanilang maduming plano ay isang patunay na pagkabigo sa kanilang hanay. Hindi sila nagtagumpay.”
Mariing kinondena ni Goitia ang mga karahasang ito, na ayon sa kanya ay hindi na saklaw ng kalayaan sa pamamahayag kundi hayagang paglabag sa batas. Ayon pa sa Revised Penal Code, malinaw na pumapasok ang ginawa nila sa krimeng sedisyon — isang paglabag laban sa kaayusan at mismong Republika.
Nagpakita ng matinding sakripisyo ang hanay ng kapulisan para sa kaligtasan ng tao at dahil. dito ay pinuri ni Goitia ang Philippine National Police sa maagap na pagpigil sa tangkang pag-aaklas bago pa ito lumala. Itinuro niya na kahit maraming sugatan sa hanay ng pulis, pinili pa rin ng mga ito ang magpakita ng pagpipigil o maximum tolerance.
“Matatag silang nanindigan para sa demokrasya, habang ang mga raliyista ay nagbunyag lamang ng kanilang tunay na kulay — galit at kaguluhan,” diin niya.
Ipinakita ng mga ito ang tunay nilang pagkatao sa likod ng maskara. Sa mga ulat ng ibat-ibang mga sangay ng media malinaw na naipakaita ang kaibahan ng lehitimong protesta at planadong kaguluhan. Maging ang ilang personalidad na sumama sa martsa ay napapahiya matapos maloko at mapilitang makisama sa mga iligal na elemento.
Maging ang mga volunteer ni Goitia ay nadamay. Ilan sa kanila, kasama ang mga marshal ng kanyang koalisyon, ay nasaktan at ninakawan ng gamit ng mga pinaniniwalaang kabilang sa kabilang kampo. Nangako si Goitia na hindi pababayaan ang mga biktima: “Nakikipagtulungan kami sa mga awtoridad at sa aming mga katuwang sa intelligence unit upang kilalanin ang mga umatake sa aming hanay. Mananagot sila sa batas — hindi sa pamamagitan ng paghihiganti, kundi sa tamang proseso ng hustisya,” aniya.
Hustisya ang mananaig. Sa huli, ipinaalala ni Goitia na ang laban kontra korapsyon ay dapat isulong sa legal at demokratikong paraan.
Nagpahayag din siya ng buong suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa kampanya nito laban sa katiwalian. “Solid kami sa likod ni Pangulong Marcos sa kanyang laban para sa mabuti at tapat na pamamahala,” wika niya.
“Ang panawagan ng taumbayan ay hustisya, transparency, at reporma — at tinutugunan ito ng gobyernong ito. Humihingi tayo ng pananagutan, oo. Pero hindi natin kailanman hahayaan na ang mga bayarang anarkista ang manghijack sa panawagan ng mamamayan. Hustisya ang mananaig, at hindi kailanman maghahari ang anarkiya sa ating bansa.”
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement. ( MARISA SON)