𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐁𝐄𝐄𝐏 𝐂𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐕𝐀𝐈𝐋𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐍𝐀 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄

𝘗𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯𝘢𝘭𝘪𝘻𝘦𝘥 𝘴𝘵𝘶𝘥𝘦𝘯𝘵 𝘣𝘦𝘦𝘱 𝘤𝘢𝘳𝘥𝘴 𝘢𝘶𝘵𝘰𝘮𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 50% 𝘥𝘪𝘴𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵

Available na ang white personalized beep cards para sa mga estudyante simula sa susunod na buwan bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin at gawing convenient ang biyahe ng mga estudyante.
 
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na dahil sa student beep cards, hindi na kailangang pumila ng mga studyante para maka-avail ng 50% discount sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2.
 
“Kabilin-bilinan ng Pangulo na dapat ang biyahe ng ating mga studyante ay mabilis at convenient para hindi sila nale-late sa klase. Starting September, hindi na sila mahihirapan,” ani Secretary Dizon sa kaniyang inspeksyon sa LRT-2 Antipolo Station.
Valid ang personalized beep cards ng isang taon na may pangalan ng estudyante at renewable kada school year.
 
“Pupunta lang sila sa kahit anong station next month, ipapakita ang ID at ipi-print ang beep card right then and there. Ire-renew lang nila ‘yan every after school year,” paliwanag ni Secretary Dizon.
Sa ngayon, available naman ang mga white beep cards para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na may automatic ding 50% discount.
 
Simula Setyembre, pabibilisin na rin ang pag-print ng white beep cards na agad makukuha sa ticket counters, kumpara sa dating lima hanggang pitong araw na processing. (DOTR FB Page)
Verified by MonsterInsights