Manila Ocean Park, Ipinagdiwang ang Ika-18 Anibersaryo: “Beyond the Blue, More to Explore, More to Love”

Ipinagdiwang ng Manila Ocean Park ang makasaysayang ika-18 anibersaryo nito noong Marso 28, 2026, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang media outlet.

Sa pagdiriwang na may temang “Beyond the Blue, More to Explore, More to Love,” binigyang-diin ng pamunuan ng parke ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa ating mga karagatan at yamang-dagat. Ipinahayag nila ang patuloy na panawagan sa publiko na maging aktibo sa pagprotekta sa marine biodiversity bilang bahagi ng kolektibong responsibilidad ng bawat isa.

Bilang bahagi ng selebrasyon, naghandog ang Manila Ocean Park ng iba’t ibang kapana-panabik na atraksyon na umaliw sa mga bisita, bata man o matanda:

  • Puppet Show sa Arctic Bay Function Hall– Isang makulay at nakakaaliw na pagtatanghal ng mga Pilipinong puppet characters, tampok ang kantahan at katatawanan na swak sa mga bata at young adults.
  • Mermaid Show sa Oceanarium Main Tank– Isang kahanga-hangang palabas kung saan mapapanood ang mga sirena na eleganteng lumalangoy, kumakaway, at nakikipag-ugnayan sa mga manonood sa loob ng malaking aquarium.
  • Busking Performance sa Concourse Area– Live performances mula sa mahuhusay na mang-aawit na handang maghandog ng mga paboritong awitin ng publiko.

Patuloy na inaanyayahan ng Manila Ocean Park ang publiko na maranasan ang kakaibang saya at edukasyon na hatid ng kanilang mga programa at pasilidad.

Bukas ang Manila Ocean Park araw-araw, mula Lunes hanggang Linggo, kabilang ang mga pampublikong pista opisyal, mula 10:00 A.M. hanggang 6:00 P.M. Ito ay matatagpuan sa likod ng Quirino Grandstand sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa (632) 7238-6188.

Verified by MonsterInsights