Isko, Honey Nagkita sa Libingan ni Danny Lacuna; Usap-usapang Pagkakaayos, Umusbong

Muling nagkrus ang landas nina dating Manila Mayor Honey Lacuna at Manila Mayor Isko Moreno matapos ang mahigit isang taong pagkakahiwalay bunsod ng pulitika.

Nabatid na bumisita si Moreno sa musoleo ng yumaong dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna noong Marso 23 sa Manila South Cemetery, kasabay ng paggunita sa kaarawan ng huli, na pumanaw noong Agosto 2023.

Kasama ni Moreno si Secretary to the Mayor Manuel “Letlet” Zarcal. Doon ay nakaharap nila ang biyuda ni Lacuna na si Inday Lacuna, gayundin sina Atty. Princess Abante, dating press information officer, at Congressman Rolan Valeriano.

Dahil sa naturang tagpo, umusbong ang haka-hakang nagkaroon na ng pagkakaayos sina Lacuna at Moreno, bagama’t wala pang opisyal na pahayag mula sa magkabilang panig.

Magugunitang nauna nang nakipagbati kay Moreno si Joel Chua matapos mamagitan ang kanilang mga kaibigan. (MARISA SON)

Verified by MonsterInsights