FDA KINASTIGO NG SENADO SA KABAGALAN SA PAGPAPAKULONG SA MGA NAGBEBENTA NG MGA PEKE AT HINDI REHISTRADONG GAMOT, SUPPLEMENTS

KINASTIGO na senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong magbigay ng sample na makulong ang mga nagbebenta ng peke at hindi rehistradong mga gamot at suppliers sa online platform at physical stores sa kabila ng mayroon ng mga nadadakip. 

Ang pagkastigo ng mga senador ay naganap sa pagdinig ng Senate Committe on Health and Demography na kung saan mismong ang magkapatid na Senador Raffy at Erwin Tulfo ang kumuwestyon sa FDA ukol sa isyu. 

Ipinagtataka ng magkapatid na Tulfo na sa kabila ng nakasalalay ang kalusugan ng mga mamamayan ay parang pikit mata lamang ang ahensya.

Ayon kay FDA Field Regulatory Operation Office OIC Atty. Franklin Anthony Tabakin IV, mula 2021 hanggang 2025 ay mahigit isang 100 ang kanilang napakasuhan subalit tatlo lamang ang nasentensyahan ng korte subalit hindi pinakulong kundi pinagbayad lamang ng multa. 

Aminado naman ang FDA na mayroon pang mga nakabinbin na mga administrative cases at mayroong tatlong libo ang kababinbin dito na kung saan ang kaukulang penalty ay 50 libong piso hanggang 500 libong piso. 

Samantalang ang pagsasampa ng kasong kriminal ay nakasalalay sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP) na kanilang katuwang sa operasyon. 

Suportado naman ng FDA ang panukalang batas na ideklara o ituring na economic sabotage ang anumang malawakang counterfitting, kung saan sa naturang panukala ang sinumang mapapatunayan ay may parusang pagkakakulong ng habang-buhay. 

Nanawagan din ang magkapatid na Tulfo na gamitin ng PNP, NBI at Philippine Drug Enforces Agency (PDEA) ang kanilang mga intelligence funds upang manghuli ng mga nagbebenta ng mga pekeng gamot at supplements.  (NIÑO ACLAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights