Magtatayo ang Department of Transportation (DOTr) at National Housing Authority (NHA) ng kauna-unahang medium-rise relocation project sa bansa para sa mga residenteng maaapektuhan ng North-South Commuter Railway (NSCR) project sa Angeles City, Pampanga.
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DOTr at NHA na tiyaking may maayos na pasilidad at ligtas na tirahan ang mga maaapektuhang pamilya.
Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, suportado ito ng Pangulo upang masiguro na hindi napapabayaan ang mga residenteng maaapektuhan ng malalaking transport projects.
“Ang sabi ng Pangulong Marcos dapat masiguro natin na ‘yung mga kababayan nating maapektuhan ng mga transport projects ay mailipat sa disenteng tirahan na may basic facilities gaya ng tubig at kuryente para matiyak yung kanilang maayos na pamumuhay,” ani Acting Secretary Lopez.
Itatayo ang proyekto sa isang 2.6-hectare site sa Brgy. Cutud, kung saan magkakaroon ng walong four-story buildings na may tig-94 na yunit, at kayang mag-accommodate ng 621 pamilyang kasalukuyang nakatira bilang informal settlers sa Philippine National Railways (PNR) right-of-way.
Kamakailan ay nagsagawa ng inspeksyon sa lugar sina DOTr Assistant Secretary for Right of Way and Site Acquisition (ROWSA) IC Calaguas at NHA representative Atty. John Bernardo.
Ayon kay Asec. Calaguas, magkakaroon ang bawat building complex na nagkakahalaga ng ₱1.2 milyon ng mga mahahalagang pasilidad tulad ng daycare center, rural health unit, at elementary school. Nakatakdang simulan ang konstruksyon sa Marso 2026 at target matapos sa Abril 2027.
Bahagi ang proyektong ito ng mas malawak na relocation program para sa 2,640 informal settler families na maaapektuhan ng northern segment ng NSCR. Magtatayo rin ng iba pang relocation sites sa San Fernando at Calumpit, Bulacan.
Nagpahayag naman ng buong suporta sina Pampanga 1st District Rep. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. at Angeles City Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II upang matiyak ang mabilis na social preparation p
