HAWKERS Manila, PNP Nagsagawa ng Surprise Inspection sa mga Non-Negotiable Zones ng Maynila
Patuloy na isinasagawa ni HAWKERS Manila Director Raffy Alejandro, katuwang ang mga kawani ng kapulisan ng Lungsod ng Maynila, ang mga surprise visit at inspeksyon sa kahabaan ng Padre Faura, Pedro Gil, at iba pang itinalagang “non-negotiable zones” sa lungsod. Layunin ng mga inspeksyong ito na masiguro ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga pampublikong lugar, at matiyak na ang mga bangketa at lansangan ay ligtas na madaanan ng mga mamamayan at mga sasakyan.
Ang naturang hakbang ay alinsunod sa mahigpit na direktiba ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na ipatupad ang disiplina, kaayusan, at kalinisan sa buong lungsod, bilang patunay na patuloy na umiiral at kumikilos ang pamahalaan para sa kapakanan ng mga Manileño. (BONG SON)
