Libanan Umapela ng Rebyu sa ₱250-B Flood Budget
BINATIKOS ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ang ₱250.8-bilyong pondo para sa mga flood control project sa panukalang 2026 national budget, dahil umano sa kakulangan nito sa pagtugon sa mga lalawigang pinaka-apektado ng matitinding pagbaha.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Biyernes, binigyang-diin ni Libanan na hindi sapat ang pondo ng 12 sa 20 pinaka-bahain na lalawigan sa bansa, sa ilalim ng kasalukuyang plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“These provinces are identified by the government’s own geohazard mapping and assessment. How can we spend nearly one-third of DPWH’s ₱880-billion budget on flood control, yet leave out many of the areas that are most often underwater?” tanong ni Libanan.
Ayon sa opisyal na tala, ang 20 pinaka-bahain na lalawigan ay: Maguindanao, Cagayan, Pangasinan, Isabela, Nueva Ecija, Palawan, Pampanga, Agusan del Sur, Zamboanga del Sur, Iloilo, North Cotabato, Leyte, Bulacan, Northern Samar, Tarlac, Capiz, Zambales, Davao del Norte, Camarines Sur, at Western Samar.
Bukod dito, kinwestiyon din ni Libanan ang ilang proyekto ng DPWH sa kanyang lalawigan sa Eastern Samar, partikular ang ₱3-bilyong rock netting project sa San Rafael, Taft, dahil sa wala pang history ng landslide sa lugar bunsod ng matitigas na rock formation.
Ikinagulat din niya ang biglaang paglitaw ng mga flood control projects sa mga bayan ng Hernani at Llorente, na tila pinondohan sa ilalim ng 2024 budget kahit hindi ito mga priority areas.
“What we’re seeing is that major project accomplishments are being reported when, in truth, work has only just begun. This sets the stage for so-called ‘ghost projects’—where high accomplishments are declared, payments are collected in full, yet little to no actual work is done,” babala ni Libanan.
Ipinahayag niya ang pagkadismaya sa kawalan ng sapat na pondo para sa mga seawall sa mga bayang nakaharap sa Pacific Ocean na madalas salantahin ng super typhoon.
“Funds are still funneled to riverbank controls instead of protecting vulnerable coastal communities. This imbalance must be corrected,” dagdag pa niya.
Samantala, nagpaabot si bagong talagang DPWH Secretary Vince Dizon ng pangakong magsasagawa ng masusi, science-based na pagsusuri sa kasalukuyang alokasyon ng flood control funds, na malugod namang tinanggap ni Libanan.
“We are hopeful that under Secretary Dizon’s stewardship, DPWH can put order and reason into project planning. Proper planning and accountability are the only ways we can win the fight against flooding while still funding the rehabilitation of major national roads such as the Maharlika Highway and the construction of new crossings such as the Sorsogon-Northern Samar Bridge,” pagtatapos na pahayag ng solon. (LB)