5 Kalsada sa Luzon, Sarado Dahil sa Habagat at Low Pressure Area

Limang (5) national road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region ang hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan bunsod ng masamang panahon dulot ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) at isang Low-Pressure Area (LPA).
Ayon sa ulat ng Bureau of Maintenance sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kay Kalihim Vince Dizon, agad na naglagay ng mga warning sign ang kagawaran bilang gabay sa mga motorista. Kaugnay ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking maagap ang pagtugon sa panahon ng kalamidad. Patuloy din ang isinasagawang clearing operations ng DPWH Quick Response Teams para agad na maibalik ang daloy ng trapiko sa mga apektadong kalsada.
Mga kalsadang kasalukuyang sarado:
- Baguio-Itogon Road (Tertiary Road), K0263+200, Sitio Goldfield, Brgy. Poblacion, Itogon, Benguet — sarado dahil sa pagguho ng lupa
- Balbalan-Pinukpuk Road (Tertiary Road), K0522+800–K0522+820, Pinukpuk Junction, Pinukpuk, Kalinga — sarado dahil sa pagguho ng lupa
- Lubuagan-Batong Buhay–Abra Boundary Road (Tertiary Road), K0476+250, Balatoc, Pasil, Kalinga — sarado dahil sa pagguho ng lupa at bato
- Cabagan–Sta. Maria Road (Secondary Road), Cabagan–Sta. Maria Overflow Bridge, K0451+462–K0451+942, Brgy. Casibarag Norte, Cabagan at Maozzozzin, Sta. Maria, Isabela — sarado dahil sa mataas na lebel ng tubig
- Cagayan–Apayao Road (Tertiary Road), Itawes Overflow Bridge 1, K0519+(-706)–K0519+(-678), Sta. Barbara, Piat, Cagayan — sarado dahil sa pagkasira ng approach ng tulay
Mga kalsadang bukas lamang para sa magagaan na sasakyan:
- Kennon Road (Primary Road), K0223+020, Sitio Camp 2, Brgy. Twin Peaks at Rockshed approach, Camp 6, Tuba, Benguet — may pagguho ng lupa, sira ang slope protection, at may road slip
- Luyang–Poo–Lazi Road (Tertiary Road), K0018+250–K0018+300, Cangomantong, Lazi, Siquijor — may road slip
Bilang bahagi ng paghahanda, 7,209 na tauhan at 1,347 na kagamitan ang naka-preposition at nakakalat bilang Quick Response Assets sa Luzon, Negros Island Region, at Rehiyon VIII upang mabilis na makapagresponde sa mga apektadong lugar.
Patuloy na pinaalalahanan ng DPWH ang publiko na maging maingat sa biyahe at sundin ang mga abiso mula sa mga awtoridad. (LB)