Vince Dizon, Pormal nang Umupo Bilang Kalihim ng DPWH

Pormal nang tinanggap ni Secretary Vivencio “Vince” Dizon ang watawat bilang bagong Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang turnover ceremony sa central office ng ahensya nitong Setyembre 2, 2025. 

Pinalitan ni Dizon si Manuel Bonoan, na nagbitiw noong Setyembre 1 sa gitna ng mga kontrobersiya kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects.

Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng malawakang paglilinis sa ahensya, agad na inatasan ni Dizon ang lahat ng opisyal ng DPWH—mula sa mga undersecretary hanggang sa mga district engineer—na magsumite ng kani-kanilang courtesy resignations, bilang hakbang sa pagsisimula ng panibagong liderato sa ahensya.

Nagbigay si Dizon ng 60-araw na deadline para sa reorganisasyon ng DPWH. (BONG SON)

Verified by MonsterInsights