INFRACOM: Hindi lang pagsilip sa mga may sala ang gagawin kundi solusyon sa flood control

SINAGOT ni Atty. Princess Abante, Tagapagsalita ng Kamara, ang mga katanungan hinggil sa maiinit na isyu sa kanyang pagdalo sa MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporters' Association na ginanap sa Harbor View Restaurant sa Ermita. Kasama niya sa nasabing forum sina (kaliwa) MACHRA President Itchie Cabayan at (kanan) Vice President Andi Garcia. (BONG SON)
NAKATAKDA ng simula ng Congressional Infrastructure Committee (INFRACOM) ang probe sa kontrobersyal na flood control projects at ayon dito ay wala silang sasantuhin na personalidad at usapin. 
 
Nilinaw din nito na ang kanilang pakay ay hindi lamang silipin kung sino ang mga dapat na sisihin, kundi hanapan din ng solusyon ang problema ng mga proyekto.
   
Ito ang tinitiyak ni  House of Representatives (HOR) spokesperson Atty. Princess Abante, na nagsabing ang INFRACOM ang siyang tutukoy ng mga projects at indibidwal na sa parehong executive at legislative na sangkot nang may pinanghahawakan pruweba, at mga ebidensya.
    
Sa kanyang pagsasalita sa MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant, sinabi ni Abante na ang INFRACOM ay naririyan upang tugunan ang lahat ng mga blanket accusations.
 
“Hindi puwede na basta lang mag-akusa, dapat may pruweba. Diyan papasok ang INFRACOM,” aniya.
   
Tiniyak ni Abante na kapag ang isang  Congressman ay napatunayan na sangkot sa korapsyon,  ang INFRACOM ay bukas upang lumikha ng  independent body na magiimbestiga upang maiwasan ang pagkakatangi-tangi sa mga sangkot. 
 
Siniguro din nito na mayroon mekanismo na titiyak upang madisiplina ang erring members, kung mayroon man.
    
Binigyang diin ng House spokesperson na ang papel ng mga Congressmen ay tingnan kung ang mga kailangan ba ng kanilang mga nasasakupan sa kanilang distrito ay kanilang naibibigay.
    
“Lalo na if the LGUs, even the barangays, would approach legislators for such assistance in requesting for the projects.  As Representatives, they (Congressmen) represent with the various departments.  It is then up to the department if it will consider and include in the budget proposal,” saad ni Abante.

“Ang DBM (Department of Budget and Management) ay kino-consolidate ang mga proposals at tsaka iaakyat sa House of Representatives para himayin at tignan ang budget at i-approve ito,” dagdag pa niya.
    
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Abante na ang implementasyon ng mga flood control programs, maging ang pagkuha ng  permits para sa proyekto ay di gawain ng mga  legislators, dahil ang papel nila ay bigyan pansin ang mga kailangan ng kanilang constituents at idinagdag pa na ang pagpapatupad ng proyekto ay nakasalalay sa  Department of Public Works and Highways (DPWH), na siya talagang gumagawa ng  flood control projects gaya ng panukala ng mga  Congressmen.
    
Samantala, sinabi ni Abante na base kay INFRACOM chairman Rep. Terry Ridon, ay bibigyan ng pagkakataon si Baguio Mayor Benjamin Magalong na magpakita ng pruweba sa alegasyon nitong korapsyon at kailangan na ito ay sinumpaan.
    
“We (Congress) welcome criticisms but they should not be in the form of blanket accusation… pangalanan at huwag idamay lahat,” pagtatapos ni Atty. Princess. (MARISA SON)
Verified by MonsterInsights