P605M smuggled na sigarilyo mula China at Vietnam, nasabat sa Bulacan

IPINAKITA ni Commissioner Ariel Nepomuceno sa isinagawang media presentation ang kahon-kahong mga puslit na sigarilyo sa loob ng Warehouse 6, Phil-Asia Industrial Compound, Plaridel, Bulacan.

Tinatayang nasa P605.29 milyon pisong halaga ng smuggled na sigarilyo na nagmula sa China at Vietnam ang nasabat ng mga tauhan ng Manila International Container Port – Custom Intelligence Investigation Services (MICP-CIIS), sa pamumuno ni CIIS Chief Alvin Enciso.

Ayon kay CIIS-MICP Chief Alvin Enciso, sa bisa ng Letter of Authority, sinalakay nila kasama ang BOC, Intellectual Property Rights Division, Enforcement and Security Service Port of Manila, Philippine Coast Guard, PNP, at lokal na opisyal, ang bodega kung saan nadiskubre ang 8,647 master cases ng sigarilyong walang tax stamps at health warnings.

Tatlong indibidwal ang naaresto at sasailalim sa inquest sa Department of Justice, habang kakasuhan din ang may-ari ng bodega. 

Ipag-uutos din ang Warrant of Seizure and Detention laban sa mga nakumpiskang sigarilyo dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997, NTA Memorandum Circular No. 02 s.2020, at Customs Modernization and Tariff Act. (BONG SON)

Verified by MonsterInsights