๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ป๐ฆ๐ฅ ๐ด๐ต๐ถ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ฃ๐ฆ๐ฆ๐ฑ ๐ค๐ข๐ณ๐ฅ๐ด ๐ข๐ถ๐ต๐ฐ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ค ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐บ 50% ๐ฅ๐ช๐ด๐ค๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ต

Available na ang white personalized beep cards para sa mga estudyante simula sa susunod na buwan bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin at gawing convenient ang biyahe ng mga estudyante.
ย
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na dahil sa student beep cards, hindi na kailangang pumila ng mga studyante para maka-avail ng 50% discount sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2.
ย
โKabilin-bilinan ng Pangulo na dapat ang biyahe ng ating mga studyante ay mabilis at convenient para hindi sila nale-late sa klase. Starting September, hindi na sila mahihirapan,โ ani Secretary Dizon sa kaniyang inspeksyon sa LRT-2 Antipolo Station.
Valid ang personalized beep cards ng isang taon na may pangalan ng estudyante at renewable kada school year.
ย
โPupunta lang sila sa kahit anong station next month, ipapakita ang ID at ipi-print ang beep card right then and there. Ire-renew lang nila โyan every after school year,โ paliwanag ni Secretary Dizon.
Sa ngayon, available naman ang mga white beep cards para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na may automatic ding 50% discount.
ย
Simula Setyembre, pabibilisin na rin ang pag-print ng white beep cards na agad makukuha sa ticket counters, kumpara sa dating lima hanggang pitong araw na processing. (DOTR FB Page)
