HAWKERS MANILA, MPD OFFICIALS MAGTUTULONG PARA SA KAAYUSAN NG VENDORS SA MAYNILA

Nakipagpulong si HAWKERS Manila director Raffy Alejandro kina MPD District Director PBGEN Arnold Abad, MPD Station 5 Commander PLTCOL. Alfonso Saligumba III at MPD-Special Mayors Reaction Team (SMaRT) Commander Police Major Edward Samonte para sa joint operations sa mga non-negotiable areas ng Lungsod ng Maynila.
Layunin ng nasabing pagpupulong na mas mapagtibay ang koordinasyon at tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaayusan sa lungsod alinsunod sa mahigpit na derektiba ni Manila Mayor Isko Moreno ukol kaayusan at kalinisan ng mga lugar na may vendors. (BONG SON)