BOC-NAIA Nasabat ang PHP2.25 Milyong Halaga ng High-Grade Marijuana

Nasabat ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Alexandra Lumontad at sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang anim na inbound parcel na naglalaman ng kush, isang high-grade na uri ng marijuana, na may tinatayang halaga sa merkado na PHP2,253,800.

Ang mga nasabing parcel ay nakapangalan sa iba’t ibang fictitious na consignee, kung saan sa isinagawang inspeksyon sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Lungsod ng Pasay, ay natuklasan ang kabuuang 1,502 gramo ng kush na itinago sa loob ng mga parcel.

Ang mga nakumpiskang kontrabando ay tinurn-over na sa PDEA na bahagi ng standard operational procedure at kasunod nito ang isasagawang mas malalim na imbestigasyon at paghahain ng kaso. Ang mga indibidwal na may kaugnayan sa mga parcel ay sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Muli namang pinagtibay ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang pangako ng ahensya sa kampanya ng pambansang pamahalaan laban sa ilegal na droga, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang seguridad sa mga paliparan at pantalan at pigilan ang pagpasok ng ilegal na droga. 

Binigyang-diin niya na mananatiling matatag ang ahensya sa pagharang sa lahat ng uri ng smuggling sa mga pantalan ng bansa.

Sa ilalim ng pamumuno ng masipag at Magaling na si District Collector Alexandra Y. Lumontad, patuloy na ipapatupad ng BOC-NAIA ang mas mahigpit na mga hakbang para sa proteksyon ng mga hangganan upang mapanatiling ligtas ang bansa laban sa ilegal na droga at iba pang ipinagbabawal na kala- kal.

Port of Clark naharang ang ₱25.3M halaga ng iligal na droga 

Naharang ng Bureau of Customs-Port of Clark, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency–Airport Interdiction Unit (PDEA-AIU), ang isang kargamento na naglalaman ng 5,062 gramo ng Ketamine, isang uri ng mapanganib na droga, na itinago sa loob ng isang kahoy at idineklarang “Data Cable Roll” na tinatayang aabot ang halaga nito sa  ₱25,310,000, na  nagmula sa bansang Belgium at nakatakdang ipadala sa San Rafael, Rizal.

Dumating ang nasabing kargamento noong Hulyo 24, 2025, sumailalim ito para sa pisikal na inspeksyon dahil sa kahina-hinalang imahe na dumaan sa Xray, nagsagawa ang mga tauhan ng PDEA ng K-9 sniff test na nagresulta sa positibong presensya ng iligal na substansiya, dahilan upang isagawa ang masusing pagsusuri.

Natagpuan ang isang 19-kilogram na kahoy na cable reel na kahina-hinalang tinakpan ng spray foam at sa loob nito, nadiskubre ang anim na transparent na plastik pouch na naglalaman ng puting kristal na substansiya. At Dito na nga nakumpirma sa isinigawang laboratoryo na ito ay Ketamine, na kabilang sa listahan ng mapanganib na droga.

Nag issue si District Collector Jairus Reyes ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa mga probisyon ng Sections 118(g), 119(d), at 1113 (f), (i), at (l) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng RA 9165.

Pinuri ni District Collector Jairus S. Reyes ang pagiging alerto at galing sa profiling ng mga frontline personnel ng Port of Clark.

“Mahigpit naming binabantayan ang anumang tangkang magpasok ng ipinagbabawal na droga. Ang aming mga operasyon ay direktang nagpoprotekta sa kalusugan at kapakanan ng publiko, tungo sa mas ligtas na kinabukasan,” ani Reyes.

Binigyang-diin ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno na ang laban kontra iligal na droga ay usaping pambansa.

“Ang mga ini-smuggle na droga ay seryosong banta sa kaligtasan ng publiko. Ang pagbibigay proteksyon sa buhay ng mga Pilipino ang pangunahing layunin ng bawat operasyon  at hindi eksepsyon ang pagkakasabat nito,” aniya.

Sa mga kaugnay na operasyon noong Hulyo 29, nasabat din ng Port of Clark ang dalawang padala patungong Lungsod ng Quezon. Ang una, na idineklarang ‘Animal Food’ mula Paris, ay natagpuang naglalaman ng 52 gramo ng MDMA (Ecstasy) na nagkakahalaga ng ₱265,200. Ang pangalawa, na idineklarang ‘Documents’ mula Austria, ay may lamang 52 gramo ng Ketamine na may halagang ₱260,000. Parehong isinailalim sa seizure proceedings ang mga padalang ito.

Ipinapakita ng matagumpay na mga intersepsyon na ito ang patuloy na pagbabantay ng Bureau of Customs – Port of Clark sa pagpasok ng mga ipinagbabawal na droga at sa pagpapatatag ng seguridad sa mga hangganan ng bansa.

La Cathedral Cafe perfect place to relax

Gusto ko long pong batiin ang aking kaibigan na si Michelle Dela Cruz na hindi tumatanda at laging fresh na fresh ang looks. Hindi mo akalain na nasa 40s na ito dahil parang nagdadalaga lang.

Sa mga gustong nga palang mag relax dyan sa Port of Manila , Port of NAIA at MICP habang humihigop ng masarap na Frappe o Kape, Ang La Cathedral Cafe na matatagpuan sa Intramuros sa Lungsod ng Manila ang exact at perfect place para sa inyo. Lalong mas perfect ito sa mga magjowa, mag bestfriend, officemate, magtropa, etc.

Sa makailang beses na pagbisita ko dito, masasabi kong napaka solemn at peaceful ng ambiance at nakaka relax ang mga bituin sa gabi dahil roof deck view ito. Magalang at mabait ang mga staff at syempre sobrang sasarap ng mga food- from Breakfast, Lunch, Siesta and Dinner masasabi mong sulit ang bawat sentimo na ibinayad mo.

They also cater special events like Birthdays, Wedding etc. For reservation and inquiries pwede niyo po silang macontact sa kanilang official FB page na La Chatedral Cafe or call 09774204749 or email them at lacathedralc@gmail.com.

Verified by MonsterInsights