SOLON NAG-ABOT NG TULONG SA MAYNILA

Personal na dinala ni Senador Erwin Tulfo ang donation na 1,000 sako ng bigas at 7,000 piraso ng 7-litro na bottled water para sa mga taga-Maynila.
Isinagawa ang seremonyal na handover kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila City Hall nitong Miyerkules, Hulyo 23.
Ipamamahagi ang mga donasyon sa mga residenteng kamakailan lang ay naapektuhan ng bagyo.
Kasamang sumalubong kay Senador Erwin Tulfo upang tanggapin ang mga donasyon, sina 5th District Congressman Irwin Tieng, 1st District Congressman Ernix Dionisio, Councilor Bobby Espiritu, Awi Sia at Chief Of Staff Cesar Chavez. (BONG SON)