Dahil sa bakbakang Israel kontra Iran, OFW deployment sa apektadong lugar pinasususpinde ni Sen. Erwin Tulfo

HINILING ni Senator Erwin Tulfo sa mga kinauukulang ahensya sa gobyerno na ihinto muna ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa mga apektadong lugar na naiipit sa bakbakang Israel at Iran.
Sa kanyang pagdalo bilang panauhin sa buwanang Balitaan sa Harbor View news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), ibinahagi ni Tulfo na uunahin niya ang mga pro-poor na lehislatura sa Senado, dahil sa kanyang paniniwala na ‘hit the ground running.’
Nanawagan ang senador sa Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at maging sa Bureau of Immigation (BI) na gumawa ng epektibong hakbang kung paano pansamantalang ihinto ang pagpapadala ng OFWs sa mga conflict-ridden areas sa Middle East para din sa kanilang sariling kaligtasan.
“Hindi naman lahat sa Middle East, kung di ‘yung mga surrounding areas ng Iran at Israel like Saudi Arabia, Qatar and Bahrain at andiyan din ang Jordan and Egypt. Ngayon, kung padala tayo nang padala (ng OFWs) baka lumaki ‘yung giyera, mahihirapan tayo dahil milyon ang ating OFWs sa Middle East. If we keep sending (OFWs) now, baka pupuwede i-hold muna kasi delikado po ‘yung ating mga kababayan,” pahayag ni Sen. Tulfo.
Iginiit pa niTulfo na, “Siguro pag nagkaroon na ng ceasefire or natapos na ang giyera, baka puwede na tayo magpadala ulit but for now, baka po madisgrasya ang mga kababayan natin.”
Samantala, sinamantala ni Tulfo ang pagkakataon para pasamalamatan ang ang higit 17M bumoto sa kanya at naglagay sa kanya sa top five sa katatapos na eleksyon at ito ay sa kabila na siya ay isang baguhan pa lamang sa mundo ng pulitika sa Senado.
Ipinangako ni Tulfo na siya ay magiging ‘Senator for and of the people’ at hindi masasayang ang boto ng mga taong nagtiwala at naniniwala sa kanya.

Idinagdag pa nito na patuloy pa rin niyang susuyuin ang mga hindi bumoto sa kanya at aalamin ang dahilan kung bakit di siya ang pinili ng mga ito.
Ibinunyag din ng senador na sina Senators Vicente Sotto III at Francis Escudero ay kinausap na siya upang kunin ang kanyang suporta sa kanilang hangad na maging Senate president. Pero kapwa rin niya sinabi sa dalawa na pag-iisipan pa niya sa kabila ng ayon sa kanya ay parehong may napatunayan na ang dalawa.
Si Tulfo ay tumakbo bilang bahagi ng administration’s senatorial slate, Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, kasama si Sotto. (MARISA SON)