KAUNA-UNAHANG NATIONAL CAREER EXPO 2024 INILUNSAD NG DEPED, DOLE

INILUNSAD ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang kauna-unahang National Career Expo (NCEx) 2024 sa SM North Edsa Sky Dome, Quezon City noong Mayo 30-31.

Sa pangunguna ng Bureau of Learner Support Service – Youth Formation Division (BLSS-YFD), layunin ng NCEx 2024 na magbigay kaalaman at oportunidad sa learners ng Grade 10 hanggang Senior High School (SHS) sa kanilang pipiliing propesyon.

Nilahukan ang Expo ng iba’t ibang mga education stakeholders, katuwang na organisasyon, at pribadong sektor upang magbigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na makapagtrabaho, makakuha ng internship at mentorship, at seed grants para sa negosyo at oportunidad sa scholarship.

Isinagawa ang NCEx 2024 sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng National Capital Region (NCR), Region VI – Western Visayas, at Region XI – Davao nitong buwan ng Mayo.

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights