NORA AUNOR, ISASAPELIKULA NA ANG KWENTO NG BUHAY

BILANG alagad ng Sining ay sobrang masaya si Nora Aunor, dahil sa panahong ito ay nararamdaman niya ang pagpapahalaga ng movie industry sa kanyang mga nagawang pelikula noon, na hanggang ngayon ay patuloy pang kinikilala at pinag-uusapan maging hanggang sa ibang bansa.

 

Ang klasiko niyang pelikulang “Bona” na tinatampukan din ni Phillip Salvador at direksiyon ni yumaong Lino Brocka ay muling mapapanood sa Cannes Film Festival. Kaugnay nito ay pumayag na rin si Guy na magkaroon ng sequel ang “Bona”. Ang sequel ay idederek ni Adolfo Alix, Jr. Makakasama rin dito si Sid Lucero.

 

Dadalhin naman sa isang festival sa Japan ang pelikulang “Mananambal” na tribute ni Nora sa “Himala” dahil healer din siya sa nasabing pelikula.

 

Nasa panahon ngayon ng pagsasaya ang Superstar at National Artist, dahil birthday niya sa May 21. Unang dahilan ng kanyang pagsasaya ay dahil patuloy na nagiging maayos ang relasyon niya sa kanyang mga anak na noon ay nabahiran ng mga intriga at tampuhan.

 

Dekada na rin ang pinaghintay ng mga fans ni Nora kung kailan gagawin ang life story ng Superstar na noon ay planong sulatin at gawing libro. Ngayon ay nakaplano nang isapelikula ang talambuhay ni Guy, mula sa panulat ni Ricky Lee at sa direksyon ni Direk Joel Lamangan.

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights