NOMINASYON PARA SA DANGAL NG WIKANG FILIPINO 2024, BUKAS NA

BUKAS na ang nominasyon para sa Dangal ng Wikang Filipino 2024, isang pagkilala sa mga indibidwal, samahan, tanggapan, institusyon, o ahensyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.

Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal—laláki man o babae—samahán, tanggapan o institusyon, at mga ahensyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang at/o disiplina.

Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababa sa apatnapung (40) taon. Para sa mga samahan, tanggapan, ahensyang pampamahalaan, at/o pribadong sektor, kinakailangang naitatag nang hindi bababa sa limang (5) taon.

Ang mga lalahok ay dapat mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa iba’t ibang larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bilang pruweba).

Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mulâ sa labas ng KWF.

Para sa nominasyon, ihanda ang sumusunod na kumpletong dokumento:

*KWF Pormularyo ng Nominasyon 

 https://docs.google.com/…/18av3X0HuW0Nmp9BQ3Xa6…/edit…
*Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kwalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahan at nilagdaan ng nagnomina;
*Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahan); at
*Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa.

Ang mga nakatala sa itaas ay ilagay sa isa o higit pang long brown envelop at ipadala sa:
Lupon sa Dangal ng Wikang Filipino 2024
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Lungsod Maynila

Ang huling araw ng pagpasa at pagtanggap ng nominasyon ay sa 10 Hunyo 2024, 5:00 ng hapon.

Tatanggap ng naturang gawad sa Araw ng Parangal sa 19 Agosto 2024 ang tatanghaling Dangal ng Wikang Filipino 2024.

Para sa iba pang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o magpadala ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights