SEN. BINAY BUKAS MAKIPAGDAYALOGO KAY MAKATI MAYOR ABBY BINAY AT ASAWA

 (Photo credit: Sen. Nancy Binay’s FB Page)

IBINUNYAG ni Senadora Nancy Binay na bukas ang kanyang pintuan para makipag diyalogo sa mag-asawang sina Makati City Mayor Abby Binay at Cong. Luis Campos, upang maipagpatuloy ang serbisyong Binay sa lungsod.

Ang pahayag ng senadora ay matapos niyang aminin na 70 porsyento na siyang desididong tumakbong alkalde sa lungsod ng Makati kasunod ng pagtatapos ng kanyang termino bilang senador.

 

 

Tinukoy ni Binay na naghihintay na lamang siya ng taong senyales para sa kanyang pagtakbo.

 

Sinabi ni Binay na noong una siyang tumakbong senador ay ayaw ng kanyang anak pero sumang-ayon rin ng muli niya itong tinanong kaya naman itinuloy ang pagtakbo niya.

 

Ngunit hindi na tuluyan pang binanggit ni Binay ang iba pang senyales para maging 100 porsyento na ang gagawing desisyon na tumakbo sa Makati sa 2025 elections.

 

Hindi din umano nababahala ang senadora sa pag-ikot ng kanyang bayaw sa hindi sakop ng kanyang distrito 2 na distrito 1.

 

Magugunitang sa distrito ni Campos ay nabawasan ng sampung barangay matapos malipat sa Taguig batay sa desisyon ng Korte Suprema at tanging tatlong barangay lamang ang natira, samantala ang distrito ng senadora ay nanatiling buo ang mga barangay.

 

Hindi naman nangangamba ang senadora kung maging sa distrito niya ay umiikot si Campos.

 

Inihayag ni Binay na sa kasalukuyan ay naghahanda din naman siya unti-unti para sa anumang maging desisyon sa local election.

 

Aminado ang mambabatas na sakaling hindi sila magkasundo ay hindi naman Binay VS Binay ang mangyayari sa 2025 na katulad ng naunang nangyari kung saan naglaban ang magkapatid na Abby at Junjun Binay sa parehong posisyon noong 2022 election. (NINO ACLAN)

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights