TYRONNE JAMES ESCALANTE, LUME-LEVEL NA SA MGA SIKAT NA TALENT MANAGERS SA SHOWBIZ

Parang kailan lang ay nakikita namin itong si Tyronne James Escalante na bitbit ang baguhan pa noong si Kelvin Miranda at iba pang mga alaga sa kanyang TYRONNE ESCALANTE ARTIST MANAGEMENT, sa mga Presscon ng Regal Entertainment at birthday party ng regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Ngayon, after gumanap ng mga supporting role sa mga movie sa Regal, ay isa na si Kelvin sa itinuturing na GMA’s Heartthrob at important actor ng Kapuso Network. May mga endorsement na rin si Kelvin at isa na rito ay ang BENCH.

Isa pa sa alaga ni Tyronne ang sikat na sikat na Kapamilya star na si Jane de Leon, na matapos bumida sa top rated na DARNA, ay kaliwa’t-kanan ang product endorsements at nakatakda pang gumawa ng big project this year.

Dalawa pa sa alaga ni Tyronne ang unti-unti na ring nakikilala. Si Alexa Miro na mainstay host na ng Eat Bulaga at may movie sa Viva, at Angel Guardian na may mga project sa GMA at movies at isa ring ganap na recording artist O/C Records.

Ano ba ang sikreto ni Tyronne sa kanyang tagumpay na ngayon ay lume-level na ang pangalan sa mga sikat na Talent Managers sa showbiz?

Well, bukod sa mabait at sweet siya, ay magaling siyang mag-handle ng kanyang mga talent at maganda ang PR sa Entertainment Press at Vloggers. Kumbaga marunong siyang makisama sa lahat ng mga katrabaho sa Industriya.

By the way, addition pala sa mga alaga ni Tyronne, ang controversial actress na si Matet de Leon. May project na kaagad na ibinigay si Tyronne kay Matet. Pasok ito sa cast ng teleserye nina Bea Alonzo at Dennis Trillo na “LOVE BEFORE SUNRISE.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights